College Students’ 3 Tips for Grade 12 Applying Now

Mark your calendar, grade 12 students!
Source: thereviewmasters

Ikaw ba ay isang grade 12 student na abala na sa iyong college requirements? Simula na naman ng pag-a-apply sa mga unibersidad at scholarships. Kaya narito ang ilan sa mga tips para sa iyo!

Be selective in your choices

Magandang ideya man ang pag-a-apply sa maraming universities para maraming pagpipilian, at may backup kung sakaling kailangangin. Ngunit maaari rin itong maging ‘stressful’ kung hindi ka sigurado sa nais mong kunin— mapa-program man o university. Kaya nakabubuti pa rin kung mag-apply lamang sa talagang nais mong unibersidad at maging realistic na sa dulo, isang university lang ang papasukan mo.

Take high school seriously

Hindi maiiwasang mag-petiks na lamang sa iyong last year ng high school ngunit tandaan na mahalaga ang nahuhuling taon na ito. Seryosohin ang pag-aaral sapagkat napakahalaga ng grades kapag mag-a-apply at kapag nakapasok na sa unibersidad na iyong napili, siguraduhing ma-maintain ang grade o higitan pa hanggang maka-graduate.

Do your research

Mahalagang mayroon kang (mga) dream school pero mas makabubuti kung alamin lahat ng details sa (mga) unibersidad na ito kung pasok ka ba rito—i-consider ang program na kukunin, qualifications o requirements, tuition, scholarships, atbp. Maaari mong bisitahin ang mismong university, i-check ang website, tumawag o kumausap ng mga estudyanteng nag-aaral dito (mas maigi kung kakilala mo ito).

Ilan lamang iyan sa mga tips na maaari mong ikonsider. Tandaan na wala sa unibersidad na iyong papasukan ang sukatan ng iyong pagkatao. Nasa iyong diskarte at galing nakasalalay ang iyong kinabukasan.

Leave a comment